Una sa Balita

‘Estavillo Cup’ susulong sa Imus

0 201

TIYAK na dadagsain ng mga woodpusher ang ikakasang Estavillo Cup FIDE Rated Open tatluhan team tournament (2100 average rating) sa Oktubre 6 sa Robinsons Imus, Cavite.

Talong player ang miyembro ng bawat team, kailangan lang ay may average rating na 2100, ayon sa organizer ng tournament.

Ipatutupad ang Six (6) o Seven (7) Rounds Swiss System na may allotted time 20 Minutes + 5 Seconds Delay Mode sa event na inaasahang may 40 teams ang lalahok.

Nakalaan sa magkakampeon na koponan ang P17,000 plus trophy, tatanggapin ng second placer ang P10,000 plus trophy habang ang third ay P6,000 plus trophy.

Kukubrahin naman ng fourth at fifth placer ang P3,000 at P2,000, ayon sa pagkakasunod.

May nakalaan sa sixth hanggang 8th placer ng tig-P1,500.

Umaasa ang nagsagawa ng chess tournament na sasali ang mga team mula sa Batangas, Laguna, Metro Manila, Bulacan, Pampanga, Tarlac at Cavite.

Ang early registration fee ay P1,500 habang ang on-site registration fee ay P1,800. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy