Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Estatwa ni Lapu-lapu mas malaki dapat kay Magellan – Duterte

0 230

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang National Historical Commission na gawan ng mas malaking estatwa si Lapu-Lapu.

Sinabi ng Pangulo na si Lapu-Lapu ang lumaban at nakapatay sa mananakop na si Magellan kaya dapat lamang na kilalanin ang kabayanihan niya sa pagtatanggol sa bayan.

Hindi aniya siya komportableng nakikita na mas malaki ang rebulto ni Magellan kaysa kay Lapu-Lapu dahil ito ang lumaban sa mga dayuhan nang sakupin at kontrolin ang Limasawa kung saan dumaong ang mga Español.

“Ang hero ko is Lapu-Lapu, not Magellan. He was an intruder into our country. I want Lapu-Lapu bigger than Magellan kasi nga hero,” anang Pangulo.

Panahon na aniya na itama ang kasaysayan dahil si Lapu-Lapu ang lumaban sa pananakop ni Magellan sa Pilipinas.

Sinabi ng Pangulo na maiksi na lamang ang panahon sa kanyang termino kaya dapat na itama ang mga maling desisyon.

“We have a little time left to correct decisions, the things that we have to do correct everything,” dagdag ng Pangulo. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.