Una sa Balita

Estapadora

By
0 302

Sino ang anak ng isang tycoon na kinasuhan ng B.P. 22 o Bouncing Check Act ng anak ng isang kilalang aktres?

Ganito yan…

Umorder ang babaeng anak ng tycoon ng mga alahas kasama ang mamahaling relos (Rolex) at ipangreregalo raw sa kanyang magulang. Ang halaga ay u­mabot ng P7 milyong piso.

Nang sisingilin na, nagdahilan ito na naisanla ang mga alahas at relos, at nangakong babayaran ng ­installment.

Pero wala pa ring nangyari. Ang resulta, itinakwil na ng kanyang magulang at binawasan na ang kanyang monthly allowance sa P500,000.

Patuloy siyang hinahabol ng anak ng aktres.

CLUE: 1.Ang aktres ay sumikat noong 80’s at 90’s;

2. Siya ay asawa ng isang politiko;

JUXEBOX: ‘DI NA NATUTO’ (Gary Valenciano)

BALITAWIT

TAGPUAN (Moira Dela Torre)

‘Di, ‘di mo inakalang

Ang isda’y may ­‘formalin’…

Kaya, nang manala­ngin kay Bathala

Naubusan ng bakit

Bakit ang GG’y ‘di nilalangaw?

Bakit ang hinalo ay ‘di konti?

Bakit ‘di ang laman ay parang goma ?

At nakita mo na ang

imahe ni Bathala

Nangangati ang mata na ‘di maintindihan

Tumingin kung saan sinubukan mong ­linisan..

Related Posts

At tumigil ang mundo

Nang ‘formalin’ ay iturok mo

‘Yan ang kinain ko…

At hindi ko maipaliwanag

Ang nangyari sa akin

Dahil ba ‘yan sa ating nakain..

Baka nga may ­‘formalin’.

Pa’no ba natin na malalaman?

Na safe ang mga nasa pamilihan?

Pa’no ba maitama ang pandaraya?

At nakita mo na ang

imahe ni Bathala

Nangangati ang mata na ‘di maintindihan

Tumingin kung saan sinubukan mong ­linisan

At tumigil ang mundo

Nang ‘formalin’ ay iturok mo

‘Yan ang kinain ko…

‘Nung ako ‘yung sumusuko

At nagbago ang ­mundo

Nung ako nga ay ­nahilo!

At tumigil ang mundo

Nung GG ang napili ko..

‘Yan ang kinain ko…