Una sa Balita

Estado ng SEAG hosting hihimayin

0 198

MASINSINANG pag-uusapan ang kahandaan ng bansa sa 30th Southeast Asian Games hosting sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11 sa gagawing closed-door at no media allowed na Chef de Mission meeting ngayon sa Philippine International Convention Center.

Ipinatawag ng Chef de Mission (CDM) team sa pangunguna ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman William ‘Butch’ Ramirez ang lahat ng mga competition managers, president at secretary general ng mga national sports associations Biyernes, Setyembre 13, upang pag-usapan ang mahahalagang isyu sa isasagawa na kabuuang 56 sports na paglalabanan sa SEA Games.

Ito ang ikalimang pagkakataon na nagpatawag ang CDM team ng isang pagpupulong sa mga NSA official upang alamin at agad na resolbahan ang mga importanteng isyo sa pagho-host ng bansa.

Sinabi ni Ramirez na mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na ang nagpahayag na maisagawa ang “excellent hosting” ng kada dalawang taong multi-sports na gorno bilang “government’s commitment to the Filipino people.”

Dadaluhan din ni Tom Carrasco, Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc) Director of Operations, ang pulong. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy