Una sa Balita

eSports team ihahayag sa Sept. 8

0 173

MALALAMAN sa Setyembre 8 ang magiging representante sa electronic sports o eSports na isasagawa sa unang pagkakataon bilang regular na medal sports sa 30th Southeast Asian Games Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

Ito ang sinabi nina Alvin Juban at Joebert Yu mula sa namamahalang asosasyon na Philippine Southeast Asian Games eSsports Union (PSEU), na binuo ng Philippine Olympic Committee (POC) upang siyang mamamahala sa pag-oorganisa ng mga koponan at magpatakbo sa gaganapin na mga laro sa San Juan Arena.

“We invite you on August 29-31 at the Circuit in Makati to see all the players, as well as the manager of all the teams, during the event which we named National Pool Combine,” sabi ni Yu. “All the winners of the Open qualifiers, which we held previously, will be there to play a series of games against each other as part of tes-ting their skills and also knowing the other member of the teams.”

Ang eSports ay sasailalim naman sa pamamahala ng Asian Electronic Sports Federation (AESF), na siyang governing body ng bagong sports sa Asia at kung saan siya din magtatagala ng Technical Director para sa aktuwal na kompetisyon sa SEA Games.

“Once we got hold of the National Pool Combine, then we can announce who will be representing the country in each of the six game titles that will be played in the SEA Games,” sabi naman ni Juban.

Paglalabanan sa SEA Games eSports ang Dota 2, StarCraft II, Hearthstone, Arena of Valor, Mobile Legends: Bang Bang, at Tekken 7.

(Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy