Una sa Balita

eSports sa SEAG paplantsahin

By
0 311

MAGTUTUNGO sa bansa sa susunod na buwan ang bawat pinuno ng iba’t ibang national sports association na kalahok sa isasagawa sa unang pagkakataon na electronic sports o eSports upang pag-usapan ang lahat ng mga de-talye at paglalabanang laro sa nalalapit na 30th Southeast Asian Games.

Ipinaalam ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) ang nakatakdang pagpupulong ng mga pangulo ng bawat miyembrong asosasyon o bansa na lalahok sa limang titulo o laro sa unang linggo ng Marso na gaganapin sa Marriot Hotel.

Sinabi ni PHISGOC Exe-cutive Director Ramon “Tatz” Suzara na magpupulong ang mga pangulo ng asosasyon sa eSports na mula sa mga kalahok na bansa na binubuo ng Brunei, Cambodia, East Timor (Timor-Leste), Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Philippines, Singapore, Thailand at Vietnam.

Inaasahang pagdidiskusyunan sa pagpupulong ang mga paglalabanang laro, gayundin ang mga represen­tante ng bawat isang bansa na isasali nito sa kabuuang anim na titulo na itinakda ng namamahalang organi­sasyon para sa pagsasagawa ng eSports sa kada dalawang taong multi-sports na torneo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy