Una sa Balita

eSports pasok sa 2018 Asian Games  

By
0 5

Isasama bilang demonstration sports ang eSports o electronic sports sa 2018 Asian Games na isasagawa sa unang pagkakataon sa dalawang siyudad ng ­Jakarta at Palembang sa Indonesia sa ­August 18-September 2.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng Asian Games na itatampok ang eSports sa 18th edition ng kada apat na taong multi-sport event sa Asia na kikilalanin bilang Pesta Olahraga Musim Panas Asia 2018 o sa tawag na Jakarta Palembang 2018.

Mismong ang Olympic Council of Asia ang nagtulak para maisama ang eSports sa pagla­labanan na 39 sports tampok ang 28 Olympic sports at may kabuuang 431 events.  

Ipiprisinta muna ang eSports bilang exhibition event sa 2018 Asian Games bago ito pormal na ikalendaryo sa regular na pinag­lalabanang medal event sa 2022 Asian Games.

Una nang ginawang regular medal sports ang eSports sa 2007 Asian Indoor Games, at sa pinakahuli nitong edis­yon sa Ashgabat, Turkmenistan nang pag-isahin na ang Asian Indoor Games at Martial Arts Games.