Una sa Balita

eSports gagawing kurso sa kolehiyo

0 271

MALAPIT nang maisakatuparan ang childhood dream ng karamihan na kumita sa pamamagitan ng paglalaro.

‘Yan ang target ng Tier One Entertainment founder na sina Tryke Gutierrez at Alodia ­Gosiengfiao sa kanilang partnership kasama ang Lyceum University.

Bubuo ang Tier One ng curriculum para tuluyang maging kurso ang Bachelor of Science in eSports.

Ayon kay Tryke, may dalawang course track ang nasabing programa, puwedeng pagpilian ang game design o eSports management.

“This is a golden opportunity to show our society that gaming is not a waste of time. I’m gi­ving you a heads up that this course is not going to be easy, it’s not going to be just about fun and games,” post ni Gutierrez sa kanyang Facebook page.

Hiling ni Tryke na suportahan ito ng publiko para tuluyang maisakatuparan ang nasabing kurso.

“We’ll do our best to push this industry forward but we need more help. Study hard, train hard. We need you,” ­aniya.

Sa March 4 ay kanila nang ipapasa ang curriculum na 80-percent nang tapos sa Commission on Higher Education (CHED). (RP)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More