Una sa Balita

eSport sa Pilipinas umaarangkada — GAB

By
0 108

DINAGSA ang isa sa pinakamalaking esport events, ang binansagang ‘Globe Conquerors Manila 2018’ nito lamang Agosto 18-19 sa Mall of Asia sa Pasay City.

Nakataya ang $250,000 o higit P13-milyon, 8 koponan, kung saan ang 2 ay mula sa Pi­lipinas, habang ang 6 ay nagbuhat sa iba’t ibang nasyon sa Southeast Asia ang naglalaban-laban para sa kampeonato. Namayani dito ang team Ascencion Gaming kasama ang napanalunang cash prize at slot para sa ‘2018 Season World Championship’ na gaganapin sa South Korea sa darating na Oktubre.

Ang Esport ngayon­ ay isa sa sports na sanctioned ng Games and Amusement Board (GAB), ang ahensiya ng gobyerno na natoka­hang mag-supervise at mag-regulate ng professional sports sa Pilipinas.

Nauna rito, pumirma si GAB chairman Abraham Kahlil Mitra, kasama ang 2 komisyuner na sina Eduard Trinidad at Mar Masanguid ng reso­lusyon noong nakalipas na taon na nagpapahintulot sa professionalization ng esports sa bansa, kung saan ito ang una sa Asia.

Hindi lang ginagawang lihitimo ng GAB ang kaayusan at safe conduct ng esport bilang tunay na kinikilalang pro sports sa bansa kundi gayundin ang masiguro ang proteksyon ng sports athletes at kanilang organisador.

Bukod sa rekisito para sa pro esport athletes na sumailalim sa drug testing at medical examination bago ang egames, isinusulong din ng ahensiya ang responsableng­ ­­ paglalaro para sa players.­

“Number 1 ang following ngayon ng esports, di ba dati ang malakas NBA, Super Bowl, World Cup, and now eSports is fast growing,” lahad ni GAB chairman Mitra, sa kanyang opisina sa Makati sa pakikipag-usap sa mi­yembro ng Tabloid Organization in Philippine Sports (TOPS).