Una sa Balita

ESPN5 nilayasan ni Sel Guevarra

By
0 471

TULUYAN nang iniwa­nan ng beteranong court side reporter na si Sel Guevarra ang dating kinaaanibang TV5-ESPN patungo sa batang liga na nasa karibal na network na ABS-CBN.

Si Guevarra, na nakilala sa kasalukuyang tv partner ng PBA, ay nagsimula na sa pag-uulat sa mga live na laro ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) sa nakalipas nitong tatlong laro.

“Off to cover @MPBLOfficial games!,” ayon sa Tweet ni Guevarra kamakalawa kasama ang kanyang larawan na nakasuot ng yellow MPBL polo shirt at kasalukuyang nasa driver’s seat ng sasakyan.

Kapasyahan ni Guevarra ang paglipat sa ibang istasyon dahil nadarama umano nito na hindi na maganda ang kapaligiran para manatili sa dating kinabibilangang istasyon.

Matagal na nagtrabaho si Guevarra sa TV5-ESPN at nakilala bilang court side reporter sa PBA bago na lamang lumipat sa liga na itinataguyod ni Manny Pacquiao.