Una sa Balita

ESPN5-MVP sablay sa rights ng AFC Asian Cup

By
0 472

PINANGHIHINAYANGAN ng football community sa Pilipinas ang hindi pagte-televise ng 2019 Asian Football Confederation (AFC) Asian Cup matapos mabigo ang ESPN5 ni Manny V. Pangi­linan na makuha ng airing rights sa nasabing kompetisyon.

Binalita ng TV network president na si Chot Reyes sa kanyang social media account kahapon na dahilan ang hindi umano sapat ang naging ‘compe­titive bid’ ng ESPN5 para sa pagpapalabas ng soccer event.

“We regret to inform @PHI_Azkals (Philippine Azkals) fans that despite all our efforts we were not able to acquire the rights to air the Asia Cup. We put in a competitive bid that was not accepted,” tweet ni Reyes sa @coachot.

Dahil sa balakid, posibleng hindi masilayan ng live sa telebisyon ang unang salang ng PH national football team sa AFC Asian Cup, nakuha ang slot sa Asian meet matapos makalusot sa Tajikistan, 2-1, sa qualification stage noong Marso 2018.

Unang haharapin ng Azkals ang powerhouse South Korea ngayong araw, Lunes, sunod ang isa pang malakas na koponan mula China sa Biyernes (January 11) at huli sa group stage ang Kyrgyzstan Miyerkoles sa susunod na linggo (January 16).

Kinukunsidera mang underdog sa torneo, uma­asa pa rin ang Azkals midfielder na si Stephan Shrock na posibleng makapuwing ang national team dahil aniya’y wala namang mawawala sa kanila.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy