Una sa Balita

Espiritu ng bagyo, sinagupa

0 203

Rey T. Sibayan

Mga ka-Misteryo may ­narinig na ba kayong ­kuwentong ­karanasan na nakita niya ang ­elemento o espiritu ng bagyo at ­sinagupa niya ito?

‘Yan ang ating ­paksa ngayon: “Kapag may Misteryo, Alamin ang Totoo!”
Ngayong uso ang bagyo, may tao na nagsabing may elemento ang bagyo na maaaring sagupain para humina ang epekto nito.

Si Mang Millo ay isang astral ­traveller at ­spiritual healer. Naikuwento niya sa ­#TeamMisteryo nang sagupain niya ang isang malakas na bagyo na tatama sana sa Pilipinas pero himalang umiwas.

Maaaring mahirap paniwalaan ang kanyang sinasabi pero pasok ito sa katotohanang lahat ng may kinalaman sa kalikasan tulad ng buhawi, bigwas ng hangin, kulog, kidlat, ulan lalu na ang bagyo ay lahat may nilalang na pinagmumulan ng lakas na tinatawag nating elemento, ­espiritu o engkanto.
Ang mga elementong ito ang karaniwang ­tinatawag sa mga rituwal ng mga pagano, mga eksperto sa mahika at mga spiritual healer tulad ni Mang Millo.

Sa kuwentong karanasan ni Mang Millo, ­bigla siyang sinabihan ng kanyang gurong ­espiritu o spiritual teacher na kailangan niyang matulog para makapag-astral travel o ang pagkalas ng kanyang espiritu mula sa katawang lupa para sagupain ang elemento ng paparating na bagyo.

Ganu’n nga ang ginawa ni Mang Millo, ­nahiga siya, ilang beses na paghinga para ­na-relax ang buong pisikal na katawan hanggang sa ­naramdaman niyang unti-unting paghiwalay ng kanyang astral body sa pisikal.

Bumangon siya, tiningnan pa niya ang ­katawang pisikal na mahimbing sa pagtulog at siya’y ­lumipad patungo sa mata ng bagyo sa ­gawing silangan.
Mas mabilis sa pangkaraniwang paglipad ng eroplano ang nagagawa ng isang astral traveller dahil hindi masyadong apektado ng mga pisikal na enerhiya hanggang sa makita niya ang mata.

Tumambad sa paningin ni Mang Millo ang isang higanteng nilalang na hindi maipaliwanag ang hitsura ng mukha at nakasanib sa kabuuang puwersa ng bagyo.

Team Misteryo: “Mang Millo, sa ganu’ng ­kalaki ng sinasabi mong elemento, paano mo ito ­sinagupa?”

Mang Millo: “Nagtawag ako ng mga ­kapwa ko astral traveller katulong ang aming mga ­spiritual guide.”

Team Misteryo: “Alam din ba nila na ‘yun ang saktong oras na kailangan din nilang ­lumipad sa astral?”

Mang Millo: “Oo kasi sinabihan din sila ng kani-kanilang spirit guides. Kaya ganu’n, bigla na lamang silang sulpot sa harap ng mala-higanteng elemento ng bagyo.”

Team Misteryo: “Agad ninyo bang sinagupa ang elemento ng bagyo? O baka naman ­kailangang kumbinsihin na ‘wag na siyang tumama sa ­Pilipinas?”
Mang Millo: “Sayang lang ang oras, kaya’t ­nagdesisyon kami na bumuo ng malaking ­enerhiya na babasag sa elemento, noong una’y ­nahirapan kami hanggang sa maramdaman ­namin na humina siya at lumihis ng direksyon.”
Isinalarawan ni Mang Millo ang elemento ng bagyo, napakalaking halimaw na maraming ­galamay na paikot at walang tigil sa pag-ikot na merong iisang mata na nakalutang sa gitna ng mga galamay.

Mahirap paniwalaan pero marahil ay ­irespeto natin ang kanilang kakayanan at ginagawa para makatulong sa sangkatauhan. Mukhang ­hindi rin basta-basta ang kanilang ginagampanan ­bilang astral traveller na para sa kanila ay ­palihim na lang ginagampanan alang-alang sa ­ikabubuti ng lahat.
***
Para sa inyong mga karanasang kababalaghan, nakakatakot, at totoong Misteryo, mag-email sa TeamMisteryo2019@gmail.com. Bisitahin ang websites: www.reytsibayan.com; abante.com.ph.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy