Una sa Balita

Espenido walang sasantuhing politiko sa Catanduanes

0 1,219

HINDI pa man pormal na nakakaupo sa bago niyang puwesto sa Catanduanes Police Provincial Office ay tila nagpasa­ring na si Chief Inspector Jovie Espenido sa mga politiko sa nasabing lalawigan.

Sa panayam ng Bombo Radyo-Legazpi kay Espenido na kasalukuyang nagbabakasyon umano sa ibang bansa pero nakatakdang umuwi sa susunod na buwan, kinumpirma nito ang bago niyang assignment sa Catanduanes batay sa memorandum na inilabas ng Philippine National Police (PNP) Directorate for Personnel and Records Management.

Hindi pa tinukoy sa bago niyang assignment kung ano ang partikular na posisyon na hahawakan ni Espenido, pero nagpahayag ito na wala umano siyang sasantuhin sa ilang mga pasaway na politiko sa Catanduanes.

Itinuturing na “shabu hotbed” sa Bicol region ang nasabing lalawigan na pinamumunuan ni Gov. Joseph Cua. Minsan nang inakusahan ng Dangerous Drugs Board noong 2017, sa ilalim ng pamumuno noon ni Dionisio Santiago, si Cua na sangkot diumano sa illegal drug trade.