Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Espejo, nationals taob sa Thailand

0 73

BIGO nang makapag-uwi ng medalya sa 31st Southeast Asian Games sina Marck Espejo at ang Philippine national men’s volleyball team makaraang maligwak sa preliminary ng men’s volleyball event, Lunes, sa Quang Ninh Gymnasium sa Vietnam.

Lugmok ang national team sa ikalawang sunod na pagkakataon matapos walisin ng Thailand via straight sets 20-25, 27-29, 22-25 upang ekis na maka-usad sa semifinals.

Nitong Sabado, tumiklop rin ang national squad kontra sa Cambodia 21-25, 26-24, 28-30, 27-29, taanging ang top 2 teams lamang ang aabante sa semifinals ng kumpetisyon.

Matatandaan noong 30th edition ng biennial meet taong 2019 ay tinalo ng national squad ang Thailand sa semifinals. Sa nabanggit na taon, tumapos bilang silver medalists ang national men’s volleyball team. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.