Una sa Balita

Espejo, Bagunas import sa Thailand, Japan

0 625

MATAPOS ang kanilang silver medal finish sa 30th Southeast Asian Games, sa bansang Thailand at Japan naman magpapakitang gilas sina Marck Espejo at Bryan Bagunas.

Ibinahagi ni ace spiker Espejo na kinuha ito ng isang Thailand team upang maging import rito.

“Before nu’ng game, may pinasa sa Aking article. Siguro Thailand­ na rin naglabas. Maglalaro ako sa isang Thai club, Visakha. Aalis ako sa (December) 15 hanggang April,” kuwento ni Espejo.

Samantala, balik Japan naman si power hitter Bagunas kahapon para sa kanyang Japanese team na Oita Miyoshi.

“Babalik na kaagad ako kasi important game namin this weekend kasi home game ‘yun tapos makakalaban namin ‘yung team na sa ranking, makakalaban namin sila doon sa home game namin kaya kailangan ako bumalik agad sa Japan para makasama rin sila at makapag-training,” bahagi ni Bagunas. (Janiel Abby Toralba)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More