Una sa Balita

Esmi binurdahan ng saksak ni mister

By
0 360

AGAW-BUHAY ang isang misis nang burdahan ng saksak ng kanyang mister na nagdilim ang pag-iisip dala ng matinding selos sa Malabon City kahapon.

Nakaratay sa Tondo Medical Center si Jennifer Desuyo, 28-anyos, ng No. 20 Tongko Street, Barangay Maysilo ng nasabing lungsod dahil sa tinamong mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Kusang loob namang sumurender si Reymart Desuyo, 27, dala ang patalim na ginamit sa pananaksak.

Sa pahayag ng witness na si Marie Bailen, 23, pinsan ng biktima, naringgan nito na nagtatalo ang mag-asawa sa kanilang bahay, dakong alas-otso nang umaga.

“Parang nagseselos po si kuya Reymart at galit kay ate Jennifer,” ani Marie.

Pagkaraan ng ilang minuto, nagsisigaw at humihingi ng tulong ang babae, kaya naman sinilip ni Jennifer kung ano na ang nangyayari at nakita nito na nakahandusay na duguan ang kanyang pinsan.

Kaagad na dinala ng mga kaanak si Jennifer sa nasabing pagamutan habang si Reymart ay dumiretso sa Police Community Precinct (PCP) 1 at sumurender.

Nahaharap sa kasong frustrated paricide ang suspek.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy