Una sa Balita

Eskuwelahan napasok ng sindikato

By
0 515

Para mas maging bibo ang mga water concessionaire at sumigla ang kompetisyon sa paghahatid ng tubig at serbisyo sa publiko ay sang-ayon tayo sa iginiit ng isang kongresista na dapat ng basagin ang duopoly ng Maynilad at Manila Water.

Nabanggit sa water crisis hearing sa Kamara ni Manila Rep. Manuel Luis Lopez, vice chairperson ng House Committee on Metro Manila Development na napapanahon ng umentra ang iba pang player na magkakaloob ng tubig para sa mga Pinoy.

Rekomendasyon ng kongresista na basagin na ang umiiral na monopolya, duopolya sa larangan ng utility ng katubigan.
Bakit nga hindi baka sakaling sumigla ang kompetisyon at mawala ang kunsumisyon ng mga customer kung hindi lang dalawa ang naghahatid sa atin ng tubig dito sa Metro Manila.

Nasilip din ng opisyal ang aniya ay pagiging one sided ng kasunduan sa pagitan ng gobyerno at mga nasabing kompanya na pumapabor lamang sa dalawang concessionaire.

**
Isa na namang eye opener ang nangyaring pag-aresto sa dalawang kabataang estudyante na mula pa sa de kalidad na eskuwelahan sa Metro Manila. Binuksan nito ang mga mata natin na may kailangang gawin ang pamahalaan para matiyak na hindi nagagamit ang mga mag-aaral natin ng mga sindikato ng droga.

Sa insidenteng ito, nakita natin na talamak na ang bentahan ng droga sa mga eskuwelahan. Eh sino pa nga ba ang kostumer ng dalawang estudyanteng ito? Natural lamang na isipin nating mga kaklase o tulad nilang mag-aaral din ang kanilang mga parukyano. Isang mil­yon at kalahating piso ang halaga ng drogang nakumpiska kaya alam natin na malakasan na ang benta ng droga sa eskuwelahan.

Malinaw na may pagkukulang ang paaralan. Naging maluwag din ang Department of Education kaya pinasok na ng sindikato ang mga eskuwelahan. Posibleng ang pagkukulang ng DepEd ay dahil na rin sa pangambang malabag ang karapatan ng mga mag-aaral. May dapat nang baguhing batas.

Sa ganitong pangyayari, nakikita natin na kailangan ang isang tulad ni Gen. Bato dela Rosa na magiging katulong ng mga senador para bumuo ng batas na magagamit upang maprotektahan ang mga kabataan laban sa illegal na droga nang hindi nalalabag ang kanilang karapatan bilang bata.

Malalim ang kaalaman ni Bato sa problema sa droga kaya kailangan ang tulad niya sa Senado. “Drastic situations need drastic measures” at sabi nga ni Bato, “Hindi lang drastic ang sitwasyon natin. Despe­rate na.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy