Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Erwin Tulfo pinoporma sa DSWD; Ex-AFP Chief naman sa DND

0 181

ANG batikang brodkaster na si Erwin Tulfo ang pinupuntirya umano ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., na maging kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Base ito sa ulat ng Politiko online news kaugnay sa idadagdag sa gabinete ng administrasyong Maracos.

Ayon pa sa ulat, kinokonsidera ni Tulfo ang alok na maging miyembro ng gabinete.

Si Erwin na isang brodkaster ay kapatid ni senator-elect Raffy Tulfo.

Pang-apat na nominee ng ACT-CIS party-list si Erwin na nanalo ng tatlong seat sa katatapos na eleksiyon. Ang hipag nitong si Jocelyn Tulfo, maybahay ni Raffy ang first nominee.

Wagi rin ang isa pang Tulfo na anak nina Jocelyn at Raffy na si Ralph bilang kinatawan ng second district sa Quezon City.

Naging sikat ang mga Tulfo dahil sa mga programa sa telebisyon at social media na naghahatid ng tulong sa mga naaapi.

Wala pang idinedeklarang kalihim ng DSWD si Marcos, bagama’t may mga naitalaga na ito sa ibang position.

Samantala si retired AFP general Jose Faustino Jr., naman ay napipisil umanong maging Defense Secretary ng Marcos administration.

Gayunman ay wala pa itong kumpirmasyon sa mga nabanggit na personalidad. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.