Una sa Balita

Erwan humingi ng danyos sa landiang Anne, Marco

0 527

Palabas na sa mga sinehan ang pelikula nina Anne Curtis at Marco Gumabao na “Just A Stranger”.

Pero bago nga ‘yan, maraming patikim na picture o video ang ibinahagi ng mga bida tungkol sa kanilang movie to spice it up nga naman.

Una nga ay nagkaroon pa ng biruan sina Marco at Erwan (Heussaff) sa post kung saan marami ang nag-react.

Pero sa gabi rin bago ang premiere night nila, sabay na nag-post sina Anne at Marco ng parehas na picture pero magkaibang caption sa kanilang Instagram na pahapyaw rin sa dapat abangan ng mga fan sa kanilang pelikula.

Nakasaad sa polaroid picture na ipinost ni Anne ang isa sa mainit na linya nila sa pelikula na “We’re going to pay for this,” kalakip ang litrato na kapwa hubad ang dalawa na naglalandian habang nakahiga.

Nag-comment nga rito ang asawa ni Anne na si Erwan, “If you both are willing to pay for this. I take cash or bitcoin.”

Sabay reply naman si Anne ng mga emoji na cash at dolyar.

Bentang-benta talaga sa mga fan ang kulitan ng mag-asawang Erwan at Anne, at natutuwa rin sila sa pagiging supportive ng mister nito sa Kapamilya actress. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy