Una sa Balita

Erram, Varilla suspendido, multado

0 371

NAGBABA ng hatol ang PBA Commissioner’s Office sa players ng NLEX at NorthPort na nasangkot sa pisikalang laro sa Governors Cup quarterfinals noong Lunes sa Smart Araneta ­Coliseum.

Bago natapos ang 115-90 win ng Batang Pier na nagsagad sa twice-to-beat ng top seed Road Warriors, nagkagulo.

Pa-drive si Michael Qualls nang ma-foul ni Paul Varilla. Gumewang ang bagsak ng import, natapakan ang NLEX guard/forward.

Sa video replays, ­kitang sumugod si Poy ­Erram at binigyan ng braso sa likod ng ulo si Qualls. Nang magpang-abot, siniko rin ni Varilla si Christian Standhardinger.

Binigyan ng ­flagrant foul penalty 2 sina ­Erram at Varilla at ­napalabas ng court.

Nang ituloy ang laro, pinituhan ng FF1 si Philip Paniamogan nang sikuhin sa tiyan si Standhardinger habang nagse-set ng pick ang Batang Pier big man.
Kahapon ay pinatawag ni Commissioner Willie Marcial sina ­Erram at Varilla.
Matapos ang paliwanagan, ibinaba ng PBA ang desisyon.

Suspendido ng tig-isang laro ang ­dalawang Road Warriors, pinagmulta pa si Erram ng P50,000 at P40,000 ­naman kay Varilla.

Krusyal ang suspension ng dalawa, ­bubunuin sa do-or-die game ­mamaya sa Big Dome din.

Si ­Standhardinger ay pinagmulta rin ng P5,000 dahil sa FFP1 kay Kiefer ­Ravena (upon review), at P5,000 kay Paniamogan sa F1. Maging si ­Ravena ay hindi nakaligtas sa multang P1,000 na ­nakakuha ng ­technical foul for second ­motion laban kay Standhardinger. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy