Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Erram palagay na sa TNT

0 63

CLARK Smart Giga City – Nakabalik na ang kumpiyansa ni Poy Erram, nagagamay na ang laro sa bagong team niyang TNT.

Sa pangatlong laro sa Clark bubble, pasabog ang 6-foot-7 big man ng career-high 27 points mula sa 10 of 16 shooting na sinahugan ng 15 rebounds para angklahan ang Tropang Giga sa 107-88 pagmasaker sa karibal na San Miguel Beer.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nai-trade mula sister team NLEX noong February si Erram, pinigil ng coronavirus pandemic ang Philippine Cup kaya hindi siya gaanong nakapag-bonding sa mga kakampi.

Winelcome aniya siya ng dinatnang mga veteran ng Tropang Giga, tinulungang mag-adjust. (Vladi Eduarte)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.