Una sa Balita

Erram diretso na sa Katropa

0 325

MATAPOS ang mahabang paghihintay at ilang beses na pagrerebisa ay tuluyang nakumpleto at pinayagan na kahapon ng PBA Trade Committee ang masalimuot na pagkuha sa serbisyo ng 6-foot-8 na si John Paul ‘Poy’ Erram mula sa NLEX Road Warriors patungo sa kapatid na koponang TNT KaTropa.

Kinailangan pang magreklamo ang ilang miyembro ng PBA Board of Governors upang tuluyang payagan ang nais ng tatlong koponan na magkaroon ng palitan para mapalakas ang kanilang mga koponan sa nalalapit na pagsisi­mula ng ika-45 season ng PBA na bubuksan ng All-Filipino Cup sa Marso 8.

Ilang linggo ang pinaghintay at ilang rebis­yon ang kinailangan bago magawa ang tatlong koponan na trade na tuon sa sentro na si Erram patungo sa KaTropa bagaman hindi nasunod ang ilang dapat na maganap sa trade.

Ang pinakahuling rebisyon na pinayagan para makumpleto ang trade ay makukuha ng Blackwater si Erram mula sa NLEX para kina Anthony Semerad, Rabeh Al Hussaini, ang first-round pick ng koponan sa 2020 at isang second-round pick sa 2021.

Ibibigay naman ng Elite si Erram patungo sa KaTropa para makuha nito sina Ed Daquioag, Marion Magat, Yousef Taha at dalawang future first-round pick. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More