Una sa Balita

Erram ‘di kawalan sa NLEX

0 305

KAHIT walang Poy Erram, wagi pa rin ang NLEX Road Warriors kontra Alaska Aces, 104-89, para sa ikalawang sunod nitong panalo sa ginaganap na preseason tournament bago magsimula ng All-Filipino Cup sa 45th season ng PBA.

Sinandigan ng Road Warriors sina Raul Soyud na nagbuhos ng 22 ­puntos at walong rebounds at nagbabalik na si ­Kevin Alas na may 18 puntos para ­manatiling walang talo sa tatlong araw na torneo.

Hanggang kahapon ay hinihintay pa ng Office of the PBA Commissioner Trade ­Committee ang una nang iniutos nito na rebisahin ang trade deal sa pagitan ng NLEX, Blackwater Elite at TNT na naka­sentro sa paglilipat ni Erram patungo sa dati nitong koponan na KaTropa.

Una nang iniulat na ibinibenta na rin ang prangkisa ng NLEX Roard Warriors bagaman walang gustong sumalo sa malaking gastusin sa pagmimintine sa koponan.

Agad na umarangkada ang Road ­Warriors sa simula pa lamang ng laro upang agad itala ang 20 puntos na abante bago unti-unting pinigilan ang hamon ng Aces sa ikatlong yugto para sa ikalawang sunod na panalo sa ginaganap Phoenix Super Basketball Tourney sa Upper Deck Sports Center sa Pasig.

Pinag-init naman ni Matthew Wright ang Phoenix Fuel Masters sa ikalawang hati ng labanan upang biguin ang nakasagupa na nagtatanggol na All-Filipino Cup champion na San Miguel, 108-90. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More