Una sa Balita

Erram, 5 dapat kapalit — Guiao

0 422

ALIGAGA si coach Yeng Guiao na ­pakawalan si Poy Erram.

Ayon sa ilang insi­der sa NLEX, kulang na lang daw ay pumutok ang galit ni coach Yeng.

Mas tama raw na sabihin na ­nagtatampo.

“Galing na sa kanila ‘yun (Erram), pinakawalan nila,” anang source. “Nga­yong nahubog at ­naging isa sa pinakamaayos na big man, gusto ulit kunin.”
Second-round (15th) pick ng TNT si Erram noong 2013, nakuha ng ­Blackwater bago napunta sa NLEX. Base sa deal ngayon, babalik ang 6-foot-8 slotman sa KaTropa via Elite din.

Nabanggit noon ni Guiao na kuntento na siya sa lineup niya, noong hindi pa napag-uusapan ang trade.

“Inalagaan mo, ­niluto. Tapos nu’ng naluto, nakita mukhang masarap pagkakaluto, gustong kunin ngayon ng kuya mo,” paghahalintulad ng isa pang source. “Ikaw naman ngayon ang nawalan.”

Kung susumahin daw, sa kalibre ngayon ni Erram na naging Defensive Player of the Year noong isang taon, limang player ang ka­tapat niyang kapalit.

Inawat ng PBA trade committee ang trade, sinabihan ang teams involved na rebisahin. Nasa Ba­tangas pa si Commissioner Willie Marcial, posibleng sa Lunes pa makabalik ng Maynila.

May kapalit si ­Erram base sa trade, pero hindi naman daw sigurado kung makakapasok sa lineup ni coach Yeng. (Vladi Eduarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More