Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Erpat wagi ng P50M sa nababoy na jacket

0 77

Dahil sa isang emergency na pangyayari, tumama ng $1 million Powerball jackpot ang isang lalaki sa Maryland USA.

Sa pahayag ng 51-anyos instant milyonaryo na taga-Prince George’s County, sinundo lang niya ang anak sa eskwelahan nang aksidenteng maipit ang fleece jacket nito sa pinto ng kotse at nadumihan habang tumatakbo ang sasakyan.

Pero dahil isusuot uli ito ng bata kinabukasan, napilitan silang ipa-dry clean ang jacket.

Dito siya napadaan sa isang lottery outlet at naengganyong kumuha ng $2 quick pick para sa Sept. 22 draw.

Ayon sa lalaki, naalala lang niyang tingnan ito makaraan ang isang linggo at halos di makapaniwalang nanalo ito ng $1 million jackpot o katumbas ng higit P50M. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.