Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Erpat tinodas ng anak

0 110

Malagim na kamatayan ang sinapit ng isang ama nang pagtatagain ito ng sarili niyang anak sa gitna ng kanilang away sa Batangas City noong Miyerkoles.

Kinilala ng Batangas City Police ang biktima na si Efren Comia, residente ng Brgy. Sta Rita Karsada.

Batay sa report, nasa bahay ang biktima nang dumating ang anak nitong si Zoren, 30-anyos at isang cons­truction worker bandang alas-8:45 ng gabi.

Nag-away umano ang mag-ama sa hindi tinukoy na dahilan. Sa kasagsagan ng kanilang away, bigla umanong nagbunot ng itak ang suspek at saka sunod-sunod na inundayan ng itak ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Namatay noon din ang biktima habang nasukol naman ng mga nagrespondeng tanod ng barangay ang suspek at saka dinala sa istasyon ng pulisya at kinasuhan ng parricide. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.