Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Erpat ni Sotto may pasaring

0 86

MATIPID ngunit malaman ang mensahe ni Ervin Sotto tungkol sa sitwasyon ng kanyang anak na si Kai sa NBA G-League.

Nag-react si Sotto sa Facebook post ng dating PBA player na si Rob Lagabala, kung saan sa naturang post ay sinabi ng ex-Ginebra player na suportahan na lang ang bata sa kanyang NBA dream.

Comment ni Ervin sa naturang post, “ang nakakaintindi lang ng tunay na basketball ang SAKALAM (malakas).”

Sa ngayon ay wala pang nilalabas na opisyal na pahayag ang kampo ni Kai, maging ang kanyang handler na East West Private tungkol sa pagbabalik niya sa team Ignite sa NBA G-League.

Matapos mausog ang 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers, bumalik na sa Amerika si Kai ngunit hindi pa klaro kung nasa loob na ito ng bubble kasama ang Ignite team. (Ray Mark Patriarca)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.