Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Erpat hinalay anak saka nagbigti

0 112

Hindi umano kinaya ng konsensiya ng isang lalaki ang nabistong panghahalay nito sa kanyang dalagitang anak dahilan para magbigti ito sa puno sa Sariaya, Quezon noong Huwebes.

Nakabitin pa sa isang puno sa gilid ng Eco Tourism Road sa Sitio Centro, Brgy. Talaan Aplaya ang bangkay ng 32-anyos na truck helper, ng Brgy. Ibabang Iyam gamit ang lubid na abaca nang madaa­nan ito ng patrol car lulan sina P/SSg. Lowell Jess Zubia at Patrolman Villa bandang alas-10:00 ng gabi.

Hinala ng kanyang asawa, nakonsensiya ito nang malaman niyang nagsumbong sa kanya ang kanilang 12-anyos na anak matapos niya itong halayin.

Iniimbestigahan pa rin ng pulisya kung may foul play sa insidente. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.