Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Erpat, anak nilikida sa harap ng bahay

0 146

Patay ang mag-ama matapos silang pagbabarilin ng hindi pa kilalang mga salarin habang nakatambay sa harap ng kanilang bahay, Miyerkules sa Libon, Albay.

Dead on the spot dahil sa tinamong mga bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan ang mag-amang sina Jhoren Refuego Seva, 19, at Renato Bernas Seva, 44, kapwa ng Zone 1 Barangay Nogpo, Libon.

Sa ulat ni Police Major Ma. Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Bicol PNP, naganap ang pamamaril alas- 4:20 ng hapon. Nakatambay ang mag-ama sa harapan ng kanilang bahay nang dumating ang dalawang lalaki na armado ng baril at agad silang pinaputukan.

Sa ngayon ay inaalam pa ng pulisya ang posibleng motibo sa pamamaslang sa mga biktima habang patuloy ang follow up operation sa tumaas na mga suspek.(Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.