Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Eroplano ng PAF sumabog gulong, 5 crew ligtas

0 59

Ligtas ang limang tripulante ng eroplano ng Philippine Air Force (PAF) makaraang sumabog ang isa sa mga gulong nito habang lumalapag sa Laoag Airport kahapon ng umaga.

Ayon kay PAF spokesperson Col Maynard Mariano, maayos ang kalagayan at wala namang nasaktan sa mga tripulante ng eroplano.

Sa report, lumalapag ang NC212i plane na may number Nr 2119 nang sumabog ang isa sa mga gulong nito sa landing roll ng paliparan ganap na alas-10:32 ng umaga.

May kargang supply at iba pang kagamitan ang eroplano para sa Laoag airport.

Sinabi ni Mariano na mahusay na naisagawa ng mga piloto ang emergency procedure at agad na naisara ang makina ng eroplano sa runway.

Nagsasagawa na rin aniya ng imbestigasyon sa insidente para matukoy ang dahilan ng pagsambulat ng gulong ng eroplano.

Tiniyak din ni Mariano na patuloy na sumusunod ang PAF sa mahigpit na safety protocols para masiguro ang ligtas na operasyon ng kanilang mga eroplano, gayundin ng kanilang mga kagamitan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.