Una sa Balita

Eroplano nagliyab habang pa-biyahe na sa Clark airport

By
0 374

Nagliyab ang isang bahagi ng C-130 plane ng Philippine Air Force habang papaalis na sa Clark International Airport kahapon ng umaga.

Ayon kay Air Force Spokesman Major Aries Galang, nagsimula ang apoy sa landing gear ng eroplano bandang alas-siete, Miyerkules ng umaga.

Agad namang naapu­la ang apoy kaya wala napaulat na nasawi o nasaktan sa naganap na pagliyab.

Masusi ngayong iniimbestigahan ng mga awtoridad ang naganap na pagkasunog ng nabanggit na C-130 plane kung saan agad itong dinala sa maintenance hub para mabusisi ang pinagmulan ng insidente.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy