Una sa Balita

Eroplano bumulusok sa mall: 5 patay

By
0 58

Nasawi ang limang pasahero ng isang maliit na eroplano makaraang bumagsak sa isang mall sa Melbourne, Australia.

Ayon sa ulat ng BBC, walang nakaligtas sa nasabing trahedya subalit masuwerte namang sarado ang Melbourne shopping center nang maganap ang insidente.

Sinabi ni Victoria Police Assistant Commissioner Stephen Leane, posibleng nagkaroon ng engine fai­lure ang eroplano na isang chartered flight, ilang minuto matapos mag-take off mula sa Essendon Airport sa Melbourne.

Sinasabing patungo sana sa King Island sa Tasmania ang mga lulan ng Beechcraft Super King twin engine aircraft.

Inihayag ng Australian Transport Safety Bureau na iimbestigahan ang sanhi ng pagbagsak ng Beechcraft B200 King Airplane.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy