Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ernesto Gliza Nazareno pambato na fashion illustrator ng Isabela

0 332

Bata palang si Ernesto ay mahilig na itong gumuhit ng mga dress at gown. Simula pagkabata sya ay nakitaan ng talento sa pagguhit ng ibat ibang klase ng mga dress at gowns. Si Ernesto ay pang sampu sa labing isang magkakapatid ang kanyang magulang ay parehong magsasaka.

Laki lamang sa hirap si Ernesto at nasubukan nyang magbanat ng buto tulad ng mag-adas (harvest) mais at magbilad ng mais, ngunit hindi ito naging sagabal sakanya para makapagtapos sa pagaaral. Nagsumikap si Ernesto at pangarap nyang iahon sa kahirapan ang kanyang pamilya.

Nagtapos ng Bachelor of Arts Major in English si Ernesto at kasalukuyang kawani ng gobyerno sa lokal na pamahalaan ng Reina Mercedes (LGU Reina Mercedes).

Nakilala si Ernesto sa kanyang obra sa paglikha at pagguhit ng kanyang sariling version ng dress, gowns at National Costume gamit ang Digital Illustration, sa katunayan nito si Ernesto ay may nilikhang gown ng Miss Universe Philippines 2020 na si Rabiya Mateo at ang Carnival Queen National Costume ni Miss Isabela sa Miss Universe Philippines 2021 na isinuot ni Jan Abejero na gawa at disenyo ni Roel Rosal. Marami pang gawa si Ernesto na ibat ibang desenyo. Sa katunayan kabilang sya sa Sketch Pageantry and the Circle of Fashion Illutrators na eksklusibo lamang para sa mga digital illustrators, ang mga kalahok dito ay nagmula pa sa ibat ibang sulok ng Pilipinas at may mga kasali ding mga banyaga na taga Brazil, Argentina, Myanmar, Ghana at Singapore.

Naging mas masaya at inspirado si Ernesto noong napansin at binabahagi ang kanyang disenyo ng mga Famous Fashion Designer na sina Jian Lasala at Roel Rosal sa mga Social Media platforms (Instagram and Facebook) na ang layunin lang dapat nya ay maibahagi ang kanyang talento sa Digital Sketching.

Ang kanyang inspirasyon sa likod ng kanyang pagdidisenyo ay ang mga Famous at International Designer tulad ni Michel Cinco, John Guarnes, Jian Lasala, Roel Rosal, Furne Amato, Albert Andrada, Francis Libiran, Mak Tumang at Cary Santiago. Patuloy parin nangangarap si Ernesto na sana isang araw magiging katulad din nya ang kanyang mga inspirasyon/ Idols na maging isang sikat na International Fashion Designer.

Bilang isang young aspirant fashion designer naniniwala siyang magiging katulad din nya ang mga inspirasyon nya sa Fashion Industry at patuloy na nangangarap.

Naniniwala si Ernesto na hindi agad maabot ang pangarap mo sa isang iglap lang bagkus kailangan itong lagyan ng mga sangkap ng karanasan sa buhay tulad ng hirap, pasakit, pagkabigo at kalungkutan. Itong mga sangkap ang magpapatibay upang maging magaling na fashion designer. Higit sa lahat kailangan din ng diterminasyon, pagsisikap at talento upang makamit ang iyong pangarap na minimithi na tulad na lamang ng mga famous designers.

Tulad din ng ibang mga magagaling na batang artist mula sa Isabela na nagbigay ng inspirasyon sa atin dahil sa kanilang mga kwento ng mga aral sa buhay. Kaya may dahilan tayo para pasikatin natin si Ernesto G. Nazareno, Jr.
Sa mga nagnanais na magpagawa ng disenyo kay Ernesto ay maari ninyo siyang I messenge sa kanyang Social Media accounts.

FB account:
Ernesto G. Nazareno, Jr.
Instagram account:
Ernesto G. Nazareno, Jr.
Tiktok account:
@ernestnazareno.

Leave A Reply

Your email address will not be published.