Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ermat sinuntok ng anak

0 178

IPINAARESTO ang isang binata ng sariling ina nang suntukin siya dahil lamang sa pagtangging magpakain ng aso sa Tanza, Cavite.

Kasong Physical Injury ang kinakaharap ng suspek na si Kames Combis, 24, dahil sa reklamo ng kanyang ina na si Amy Combis, 50, kapwa residente ng Block 4 Lot 8 Phase 4 Sec 5 Brgy Bagtas, Tanza, Cavite.

Sa ulat ni PSSgt Jonathan Lagario ng Tanza Police Station, alas-10:00 Martes ng umaga nang maganap ang insidente sa bahay ng mag-ina kung saan inutusan niya ang kanyang anak na pakainin ang kanilang aso pero tinanggihan niya ito.

Imbes na magalit ang ina, siya na lamang ang nagpakain at nang nakita ito ng kanyang anak, sinuntok niya ang ina na tinamaan sa kamay habang hawak ang kainan ng aso.

Hindi naman kinunsinti ng ina ang naging asal ng anak nang isumbong niya ito sa kanilang barangay at kinasuhan ng physical injury para magtanda. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.