Una sa Balita

Ermat nag-shoplift ng pampasalubong

0 507

ARESTADO ang isang 55-anyos na nanay matapos umakting na naggo-grocery pero nang-umit lang ng mga chocolate, de lata at tinapay sa loob ng 7-Eleven convenience store para may maiuwi sa anak sa San Juan City, Biyernes nang umaga.

Sa nakalap na report sa tanggapan ng Eas­tern Police District, nakilala ang suspek na si Jessica Cruz y Quizon, 55-anyos, taga-San Juan City at nahaharap sa kasong theft.

Naganap ang insidente bandang alas-9:15 Biyernes nang umaga sa loob ng 7-Eleven convenience store sa Gold Land Building, Eisenhower St., Barangay Greenhills, San Juan City nang mapansin ni Mann Lee Aso y Jimenez, 45, store manager ang kahina-hinalang kilos ng suspek.

Agad niya itong binantayan sa CCTV monitor at naaktuhang nagsisilid ng mga assorted grocery item sa bitbit nitong eco bag na umabot sa halagang P647.

Matapos sitahin ang suspek ay dinala na ito sa barangay hall para sampahan ng kaso saka diniretso sa San Juan Police Station. (Vick Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy