Una sa Balita

Erin Tañada sa China envoy: Magpalit ka ng bandila!

By
0 732

PINULAAN ng kandidato ng Otso Diretso na si Erin Tañada ang paha­yag ng Special Envoy to China na si Mon Tulfo na kaya mas maraming­ manggagawang Tsino ang pinapapasok sa bansa ay dahil tamad raw ang mga Pilipino.

Giit ni Erin, magpalit na lamang daw ng bandera si Tulfo kung ganito ang magiging depensa niya tuwing tinatalakay ang isyu ng pagpasok ng mga trabahor mula Tsina.

Aniya, apologist na maituturing si Tulfo ng bansang Tsina na ngayon ay pinapaburan ng administrasyong Duterte kabilang na sa isyu ng kanilang pagsakop sa ilang teritor­yo ng Pilipinas, partikular na ang West Phili­ppine Sea.

Idiniin ni Erin na maling isisi ni Tulfo sa lahat ng Pilipino ang katamaran at pagkakamali ng iilang manggagawa sa bansa.

Ito ay dahil naniniwala ang dating congressman na isa ang mga Pilipino sa mga pinakamahuhusay na manggagawa sa buong mundo, lalo na’t marami sa mga dayuhan ang nagtitiwala sa kalidad ng trabaho ng mga Pili­pino.

At dahil din sa pagdami ng mga manggagawang Tsino sa bansa, nanawagan si Erin sa administrasyon na isapubliko ang mga kontrata na nilagdaan nito kasama ang Tsina dahil karapatan itong malaman ng mga Pilipino.

Bukod kay Erin, tinututulan din ng iba pang kandidato ng Otso Diretso ang malambot na polisiya ng administrasyong Duterte sa West Philippine Sea, pati na rin sa pagbibigay-pabor sa mga migranteng Tsino sa pagkuha ng mga manggagawa para sa programa nitong Build, Build Build.

Kabilang dito sina Senator Bam Aquino at Magdalo Congressman Gary Alejano; ang mga nagbabalik na lingkod-bayan na sina dating senador Mar Roxas; at ang mga bago ring sasabak sa politika na sina dating Solicitor Gene­ral na si Florin Hilbay, beteranong mga abogado na sina Atty. Chel Diokno at Atty. MacaRomy Macalintal, at da­ting ARMM assemblywo­man na si Samira Gutoc.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy