Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Erika Rae inatake ng jellyfish

0 69

Dahil sa kahuhubad ni Erika Rae, ang seksing panganay ni Ina Raymundo, inatake ito ng jellyfish sa paglulunoy niya sa dagat.

Mismong si Erika ang nagbalita nito sa kanyang Instagram at pinakita pa ang bahagi ng kanyang hita na may marka ng latay galing sa jellyfish.

Maaring nanggigil sa kaseksihan ng dalaga ang jellyfish kaya siya nito sinagpang.

Paano naman kasi, nakabilad na naman ang alindog ng dalaga sa suot na 2-piece bikini, na halos luwa na ang kanyang malalaking dibdib.

Kahit nga inatake ng jellyfish, super pa-sexy pa rin si Erika sa kanyang mga larawan.

Angeline pagod nang magreklamo

Dahil sa pandemic, mas binibigyang halaga na lang daw ni Angeline Quinto ang lahat ng meron siya ngayon, kesa magreklamo sa mga kaganapan sa kanyang buhay.

“Noon puro reklamo, puro tanong bakit ganito, bakit ganon. Hanggang natutunan kong pahalagahan ang lahat ng meron ako, iniwasan kong maubos ang oras at panahon ko sa kakareklamo. Mas napakaraming binigay ang Diyos higit sa kailangan ko. Napakabuti ng Panginoon. Maniwala ka lang,” sabi ni Angeline.

Sunud-sunod ang dagok sa buhay ni Angeline nitong panahon ng pandemya, nagsara ang kanyang pinagtatrabahuhang istasyon, nawalan ng raket, namatay ang kanyang ina at dinapuan siya ng COVID-19.

Kaya may rason para mag-iba ang pananaw sa buhay ng singer dahil lahat ng mga nangyari sa kanya ay napagtagumpayan niyang maligtasan.

Nagpasalamat ang mga follower ni Angeline, na para sa kanila ay nai-apply nila sa kani-kanilang buhay.

Ziggy mahilig sa ‘chicks’

Bata pa lang ang bunso nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, nahihilig na ito sa mga ‘chicks’.

Yes, ang paga-alaga ng mga sisiw ang kinahihiligan ngayon ng ‘baby’ nina Marian at Dingdong, si Ziggy.

Nakaposte sa Instagram ni Dingdong ang larawan ng anak kasama ang mga sisiw. Makikita sa photo na nakatuon ang atensyon ng bata sa mga sisiw na nasa harap niya na inaalagaan niya ngayon.

Aliw na aliw ang mga kaibigan sa showbiz, pati na mga fan nina Dingdong sa larawan.

Bukod nga raw sa kaguwapuhan, potensyal na animal lover ang bata.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.