Una sa Balita

Erika Rae certified ‘bad bitch’

0 416

Kung ano man ang character at angas sa pagpapa-sexy ng 18-year-old na si Erika Rae, ‘yun ay dahil sa kanyang ina na si Ina Raymundo. Sa post nito ng larawan nila ng 90’s sexy star na kuha sa pictorial niya, sinabi ni Erika na ang ina ang nagturo sa kanyang maging “bad bitch”.

Ang post ni Erika ay para batiin ng happy birthday ang kanyang ina.

“Happy birthday to my mama and my bestie, the lady who taught me to be a baaad bitch, 44 has never looked so good. I love you so much,” sabi ni Erika.

Maraming meaning o Tagalog translation ang “bitch” at lahat ay tumutukoy sa pagmumura. Palasak itong tawag sa mga taong may hindi magandang personalidad o karakter.

Pero sa interpretasyon ni Erika, ang pagiging sensual at tapang sa paghuhubad ang ibig niyang sabihing bad bitch.

MJ Lastimosa super tanggol kay Gazini

Naglabas ng kanyang sentimyento si MJ Lastimosa hindi lang para ipagtanggol si Gazini Ganados sa pagkakalaglag nito sa Top 10 sa nakaraang Miss Universe 2019.

Pinost ni MJ ang sketch ng national costume ni Gazini sa kanyang Instagram at nilagyan ng caption na naglalahad ng pinagdadaanang hirap ng mga candidate mula sa iba’t ibang panig ng mundo para lang i-represent nang bongga ang kanilang bansa.

Sabi ni MJ, lahat ng mga kandidata ay may bitbit na advocacy at bawat isa ay deserving manalo. Kahit ano pa ang kulay ng mga balat nito, ipinapamalas ng mga ito hindi lang ang kanilang sariling ganda kundi ang kani-kanilang bansa.

Ayon pa kay MJ, walang nakahihigit kanino man. Lahat ay equally beautiful.

Pinuri niya si Gazini at ang magandang performance nito sa Miss U. Idinaan ni MJ sa Visayan dialect ang pag-angat niya kay Gazini at ang pagiging Bisaya nila.

Hindi rin nasungkit ni MJ ang korona ng Miss U 2014.

Panganay, bunso nina Mariel, Robin magkamukha

Kamay pa lang ng kanyang bagong silang na sanggol ang ipinapasilip ni Kylie Padilla sa netizen. Matapos itong manganak nu’ng Lunes sa ikalawa nilang baby ni Aljur Abrenica na si Axl, hindi pa gustong ipakita at ibahagi ni Kylie sa kanyang mga fan ang mukha ng anak.

Naka-post sa Instagram ni Kylie ang larawan ng daliri ng anak na nakakapit sa kanyang daliri. Ipinagmalaki ni Kylie sa sambayanang Pinoy na gaya ng kanilang panganay na si Alas, malakas din ang kanyang sanggol.

“December 9, 5:35 pm, Axl Rome Abrenica came into our lives. He is loved. He is cherished. He has one strong suck like kuya,” sabi ni Kylie.

Samantala, panay-panay naman ang pagpapasilip ni Mariel Rodriguez Padilla ng pangalawang anak nila ni Robin sa social media. Makikita na sa mukha ng bata na kamukha ito ng kanyang ate na si Isabel.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More