Una sa Balita

Erik The Viking, The Barrister pandehado

0 427

SIYAM na balanseng line-up ang nakalinya ngayong araw sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Pasisibatin ang ­unang race sa ala-1:30 nang hapon.

Pitong kabayo ang mag-uunahan sa 1,300-meter race ng PHILRACOM RBHS na ilalarga sa Race 1.

Halos two-horse affair ang maglalaban dahil sa mga ibinigay na tips ng mga karera tipster sa programa.

Subalit para sa mga beterano sa karera ay puwedeng manalo ang iba tulad nina Erik The Viking at The Barrister.

Dalawang tipsters ang napusuan na pa­moste si Helushka na sasakyan ni class A jockey OP Cortez habang isa sa magkakamping Summer Romance at Sooner Time.

“Magandang laban ‘yung sa Race 1, malaki tsansa manalo ng mga dehado,” hayag ni Christopher Cortez, beteranong mananaya.

Ang ibang kalahok ay sina Rochelle at Real Flames. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy