Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Erik Santos inaatake ng takot

0 363

Sobra na ang pag-aalala ni Erik Santos ngayong panahon ng pandemya, at gusto na talaga niyang magbalik-trabaho. Sabi nga ni Erik, malaking hamon ang dinaranas niya ngayong walang trabaho.

“Nararamdaman ko ‘yung anxiety, ‘yung worries, may fears akong nararamdaman. Ang daming negative thoughts and emotions akong na- experience talaga until now. Nami-miss ko na ang mga kaibigan ko. Nami-miss ko na ang kumanta with live audience, ang dami kong nami-miss,” saad niya.

Mabuti na lang daw at nagbalik siya bilang hurado ng “Tawag ng Tanghalan” sa “It’s Showtime,” at kasama rin siya sa “ASAP Natin ‘To.”

SM food to go Banner Ad

“Actually ito ang first na labas ko except sa cycle namin sa ‘ASAP.’ Kaya ngayon medyo nalalabanan ko na ‘yung anxiety at takot,” say niya.

Nagpasalamat din ang Prince of Pop sa ABS-CBN na patuloy naghahatid saya sa mga manonood.

“Sobra akong grateful sa ABS-CBN. Kasi amidst the closure of the network ay nabibigyan pa rin nila kami ng pagkakataon na makapag-work at makapagbigay ng aliw sa kahit na anong paraan naming magagawa sa ating mga kababayan na nanonood pa rin sa atin.” (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.