Una sa Balita

Erich umalma sa chicka na pang-‘kabit’ ang beauty

By
0 3,595

Hindi sila mga sugoderang babae. Mga edukada ang dating. At ayaw bumaba sa level ng mga mahilig manlimos ng pag-ibig.

Ito ang impresyong pinakawalan ng mga mujer sa pelikulang The Significant Other na sina Erich Gonzales, Lovi Poe, Ms. Dina Bonnevie at Ms. Snooky Serna.

Si Erich nga raw, hindi mangyayari yun kasi, ang rule niya sa buhay ay never to be the number 2. Kahit may mga nagsasabi na sa ganda niya ngayon, siguradong pipilitin siyang makarelasyon ng mga lalakeng mayayaman, na may mga misis na. In short, abang-abang sa kanya ang mga kalalakihan na may sabit na, at type siyang gawing kabit, na never nga raw niyang papasukin.

Si Lovi naman ay i-handle daw ito with grace at hayaang maranasan ang buhay na tahimik at masaya.

Samantalang si Ms. D naman ay marami nang pinagdaanang sitwasyon na ganun, pero nagpigil daw siya dahil ayaw niyang mag-stoop down daw sa level ng kabit, edukada siyang babae at full of class.

Ang ginawa daw niya sa pangyayari sa kanya in the past nang makita niya ang kanyang mister na may ka-date ay bumili siya ng bagong damit, at pumunta sa table ng kanyang asawa with the number 2, sabay sabing, ‘Sorry, I’m late for the dinner.’

Bongga, ‘di ba?

Si Snooky naman daw ay ganun din ang gagawin niya, na huwag magwala o gumawa ng eksena dahil isa nga siyang Regal baby at gusto niyang panatilihin ang kanyang pagiging isang regal na babae, sa kilos at pananalita.

Kaya nga raw, masarap panoorin ang movie na ito dahil nagtuturo nga ito ng life’s lesson lalo na sa mga nasasangkot sa ganitong sitwasyon.

Handog ng Cineko Productions for Star Cinema ang The Significant Other sa direksiyon ni Joel Lamangan.

‘Yun na!

Alden, Ai-Ai eeksena sa New York Film Festival

Ano naman kaya ang kapalaran ng ating TV shows at movie na Area ni Ai-Ai delas Alas sa darating na New York Film Festival International Television and Film Awards 2018?

Trulili, hindi na naman magkamayaw ang AlDub nation lalong-lalo na ang solid Alden Richards supporters dahil nominated and documentary nitong Alaala: A Martial Law Special para Docudrama special category kung saan si Alden ay gumanap sa papel ng isang Kabataang Makabayang founder at human rights advocate na si Boni Ilagan.

Wala man siyang natanggap na nominasyon sa kanyang mahusay na magkaganap dito sa bansa natin, pero sapat nang mapasama ang documentary na pinaghirapan nilang lahat.

Bongga rin si Ai-Ai dahil talagang patuloy ang pag-arya ng pelikula niyang ito na dinirek ni Louie Ignacio para sa BG Productions.

Aba naman, nakailang international awards na kaya ito kung saan nanalo pa si Ms. Ai-Ai bilang Best Actress sa Queens World Festival sa New York din noong March 2017, noh!

Ang pelikula mismo ay nanalo na rin sa ASEAN International Film Festival at Los Angeles Philippine Film Festival last year din, kaya ang nominasyon naman nito sa New York International Film Festival for TV & Film, ay kumpirmasyon lamang na kabogera din talaga etich.

Congrats sa Team Phi­lippines!