Una sa Balita

Erich super lambing sa rumored BF

0 560

Ano nga kaya talaga ang tunay na estado ng puso ng aktres na si Erich Gonzales?

Na-spot-tan kasi ang aktres sa isang private party kasama ang rumored boyfriend na si Mateo Lorenzo nitong January 15 lamang.

Makikita sa litratong ibinahagi ni Gretchen Ho na magkakasama sila sa birthday ng talent management arm ng ABS-CBN na si Love Capulong. Nasa bandang likod na bahagi si Erich at Mateo, na parehas pang naka-suot ng puti.

Agad nabigyang kahulugan ito ng mga fan na “couple code” ang pagsusuot nila ng parehang kulay ng damit.

Kasama rin sa naturang kaganapan sina Maymay Entrata, Edward Barbers, Nyoy Volante, Eric Nicolas at Jona.

Anyway, hindi lang ito ang unang beses na namataan silang magkasama dahil huling nakita sila together noong December 2018 kasama sina Jed Madela at Vina Morales. Take note, parehas din silang naka-white sa kaganapang iyon.

Bukod pa riyan, nakita rin sa isang video na medyo napasandal nang saglit si Erich sa balikat ni Mateo, which is something fishy.

Samantala noong July naman last year, nabanggit ng aktres na masaya siya sa love life niya. Although never niyang idinetalye ang mga bagay tungkol sa real score ng puso niya. Nais daw kasi ng aktres na protektahan kung ano man ang mayroon siya ngayon.
Si Mateo ay kapatid ng boyfriend ni Claudia Barretto, ayon kay Erich sa isang panayam noong March 2018. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More