Una sa Balita

Erich pinagkakaguluhan ng mga milyonaryo

By
0 5,526

Ayaw ding pa­kabog ni ­Erich Gonzales sa ibang celebs na yayamanin talaga ang sui­tors, huh! Kung ang dati niyang dyowa na milyonaryo na si Anthony Ng ay napunta na kay Arci Muñoz, aba, kaya pala itong tapatan ng bago niyang suitor, o mas hihigitan pa, noh!

Kinumpirma nga niya ang tsika ni Kris Aquino na may nanliligaw sa kanya na isa sa top 20 richest sa ating bansa ang pa­milya ng bago niyang manliligaw.

Hindi man niya diretsahang inamin na naka-private plane pa ito kung manligaw sa kanya, pero sa sabi niyang wala naman siyang sikreto kay Tetay ay sapat na para sabi­hing ‘yes’ ang sagot niya sa tanong.

Abante Hiring – IT dep

Eh, may iba pang mayayaman na interesado pa raw kay Erich, ha! Ikaw na talaga ­Erich. Ikaw na!
Pero, wala pang tsika mula kay Erich kung natusok na ba nito ang kanyang puso o silang dalawa na ba talaga?

Matapos ngang magwakas ang love story­ nila ni Daniel Matsunaga na naging isyu nga ang datung, aba, kukuha pa ba siya ng lesser dito? Naku, mag-esep-esep, noh!

Anyways, sa dami raw niyang ginagawa ngayon, hindi siya sure kung handa na muli siyang magpatusok sa kanyang dibdib para maging makulay muli ang kanyang mundo.

Ganun pa man, siya na rin ang nagsabi na hindi naman ma­tuturuan o mapipigilan ang puso kapag natuto itong magmahal.

Hay naku, magdesisyon ka na teh, bago mapunta ang private plane kay Allora. noh! Ha! Ha! Ha!

Xian at Kim OA ang ka-sweet-an sa IG
Career move ba?

Xian Lim at Kim Chiu

Matagal ding hindi nag-post si Xian Lim tungkol sa journey of love nila ni Kim Chiu unlike before na talagang ina­abangan ito ng mga netizen sa social media.

Ang daming remarkable events sa kanilang buhay together noon na na­ging parte ang kanilang mga tahanga until dumating sa point na tila mas ginusto ng Kapamilya actor na maging pribado na lamang ang karamihan sa mga lakad nila ng Chinita Princess.

Kaya nga, marami ang na-excite nang muling mag-post si Xian ng kanilang lakbay pag-ibig ni Kim sa Denmark nitong holiday season kung saan pinuputakti sila ng langgam sa ka-sweetan, huh!

Part ng kanyang love video ay ang pamamasyal nila sa streets ng Copenhagen, pagsa-shopping nila sa mall, at ang fun, fun eksena nila sa gitna ng snow na free-spirited talaga ang dating.

Viral nga ito na umaani na ng halos 300K views at more than 6K na comments.

Siguro nga ay ­n­a-miss sila ng kanilang fandom lalo na’t marami ang curious kung silang da­lawa pa ba o hindi sa sobrang tahimik ng kanilang mundo nitong mga nakaraang buwan.

Oh well, this tells it all! Yun na!