Una sa Balita

Erich kinabaliwan ng Hollywood Blogger

By
0 4,041

Kilala ng mga Filipino ang Hollywood blogger na si Perez Hilton. Si Perez kasi ang isa sa mga dahilan kung bakit naluklok bilang Miss Universe si Pia Wurtzbach nu’ng 2015.

At mukhang malaki talaga ang puso ni Perez sa mga Filipino. Gandang-ganda siya sa mga Pinay, at pruweba nga riyan ang pag-post niya sa kanyang Instagram account ng picture ni Erich Gonzales.

Sa post ni Perez ng picture ni Erich na may bulaklak na hawak at super close up, nilagyan niya ito ng caption na, ‘A true natural beauty!!! WCW!’ at tinag pa niya mismo ang IG account ng bida ng ‘The Blood Sisters’ ng ABS-CBN 2.

Agad din namang nag-comment si Erich sa IG post na ‘yon ni Perez.

“Thank you,” with matching mga puso pa.

Na nireplayan din ni Perez ng emoticon.

Anyway, ang meaning nga pala ng WCW ay Woman Crush Wednesday. Meaning, crush ni Perez si Erich, ha!

Si Perez na base sa kanyang bio ay proud dad at founder ng iconic website.

At siya nga pala, never pa raw nakakatungtong sa Pilipinas si Perez.

“I wish! I’ve never been! I’d love to go!” sabi pa niya nang tanungin siya kung nasa Pilipinas siya nu’ng mga oras na ‘yon.

Meaning, sa social media lang nasilip ni Perez ang kagandahan ni Erich, at ‘yun na nga, bet na niya ito agad-agad.

At sabi nga ng mga fan ni Erich, kabogera naman talaga ang ganda ng idolo nila.

At yes, kinabog nito sina Maja Salvador, Kim Chiu, Nadine Lustre­, at Kathryn Bernardo.

Ibang usapan ang kay Liza Soberano, dahil last March ay super ni-like rin ni Perez ang magandang mukha nito sa Instagram. Pero, ang kay Erich nga raw ay natural beauty talaga.