Una sa Balita

Erich, Kim magkasunod na titikman ni Derrick

0 1,657
abante-i-know-better-jun-nardo
Totoo nga ang balitang magiging aktibo muli ang GMA Films sa paggawa ng pelikula matapos ang ilang taong pamamahinga, huh!
 
 
Kasado na ang casting ng comeback movie ng GMA Films na pinamumunuan ni Atty. Anette Gozon-Valdez.
 
Bibida rito sina Derrick Monasterio, Kim Domingo at Super Tekla base sa impormasyong aming nasagap. Tanging ito muna ang detalye ng coming project ng GMA Films and this time na ikinatuwa naman ng workers sa movie industry.
 
Teka, another sexy and daring project na naman ba ito para kay Derrick? Natural, eh si Kim ang kapareha niya! So after Sanya Lopez sa Regal movie nilang Wild & Free, si Kim naman ang bibinyagan ng Kapuso hunk sa maiinit na eksena!
 
After Kim, kay Erich Gonzales naman isasabong si Derrick sa pinagmimitingan na pelikula nila sa Regal Entertainment.
 
 
 

Transwoman sa Pinyahan wagi na Queen of QC

 
 
Tinanghal na Queen of Quezon City 2018 ang manok ng Brgy. Pinyahan, si Casey Paculan last Saturday sa UP Thea­ter. Siya rin ang humamig ng maraming special awards at nag-uwi ng P300,000.00.
 
Sa totoo lang, huling nagkaroon ng beauty pageant para sa transwoman ang Quezon City ay nu’ng 2015. Pero dahil sa pagmamahal ng siyudad sa LGBT (lesbian, gay, Bisexual at Transgender), muli itong binuhay ng pamunuan ni Mayor Herbert Bautista through is QC Pride Council upang ipagpatuloy ang kalahagahan at karapatan ng komunidad hindi lang sa QC kungdi sa buong bansa.
 
Impressed na impressed nga ang audience sa production ng Queen of QC dahil ginastusan talaga. Pasabog ang konsepto, sounds and lights at ang contestants ay matatalino at may angking ganda.
 
Nagmarka ang QC sa pagpapahalaga sa karapatan ng LGBT nang ipasa ng City Council ang Ordinance No. 2367 o ang ordinance providing a comprehensive anti-discrimination policy on the basis of sexual orientation, gender identity, and expression (SOGIE) na may kasamang implementing rules and regulations.
 
 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More