Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Erich ‘inagawan’ si Ivana

0 189

NI: ARCHIE LIAO

Nakakatikim ng pamba-bash si Erich Gonzales sa ilang mahaderang netizen.

Ito ay kaugnay ng napapabalitang siya ang papalit kay Ivana Alawi sa teleseryeng Ang Lihim ni Ligaya na apektado ang produksyon ng pandemya.

True kaya ang tsikang ito na ‘naagawan’ ng proyekto si Ivana?

May mga tsismis na itutuloy na raw ang nasabing serye na magiging launching vehicle sana ni Ivana bilang lead actress.

Umani naman ito ng samu’t-saring reaksyon.

Anila, hindi na raw bagay kay Erich ang magpa-sexy.

Mas bata raw sariwa si Ivana .Kung dibdiban daw ang labanan, walang panama ang dating “Katorse” actress.

Pagtatanggol naman ng ilang netizens kay Erich, magaling na aktres daw ito at may napatunayan na pagdating sa pag-arte .

No match raw si Ivana kay Erich lalo’t baguhan pa lamang ito at nagsisimula pa lang gumawa ng pangalan .

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.