Una sa Balita

Erich gumiling, naghubad sa harap ng kalalakihan

By
0 5,682

Nag-aral gumiling, naghubad sa harap ng mga kalalakihan, at ginamit ang mga kamay, mata, bibig, para mang-akit ng costumers na puro barako. Ilan lang ‘yan sa kailangang pagdaanan ni Erich Gonzales para magampanan nang tama ang papel niya bilang si Erika sa teleseryeng The Blood Sisters.

At bukod kay Erika, kailangan din niyang aralin ang role niya bilang sina Carrie, at Agatha.

“Ito na ang pinaka-daring, pinamahirap, pinaka-challenging sa lahat ng roles na nagawa ko na,” sabi ni Erich.

“Si Erika kasi, palaban siya. May mga stunt siya rito. At hanggang kaya ko, ako ang gumagawa ng stunts.

“She’s a stripper kasi, dancer siya sa club. Kailangan niyang gawin ‘yon para sa anak niya. Nag-hire talaga sila ng dancer talaga sa isang club para turuan ako ng step, kung paano talaga nila ginagawa ‘yon. Inaral ko talaga ‘yong mabuti,” dugtong na sey pa niya.

“It’s important na may tiwala ka talaga sa mga tao sa paligid mo, lalo na sa director mo. With the help of my director (Jojo Saguin), sobra ang support niya. Pati co-actors ko supportive sila lahat.

“Nakikita nila kung gaano kahirap ang ginagawa ko. ­Sobrang na-appreciate ko sila.

“‘Di ba sometimes kapag may trabaho ka, parang sasabihin mo, ‘may trabaho na naman’. Pero dito, nawawala lahat ng pagod at hirap ko dahil alam kong team kami.

“For me, sobrang laking bagay na okey kayo lahat sa grupo. Ang ganda ng energy, aura niyo. Stressful ito, pero kaya naman. Nakakangiti pa rin, nakakatawa pa rin kami.

“Nu’ng nilatag nila sa akin ang work na ito, sinabi talaga nila na talagang trabaho ito. Pinag-aralan ko ang script at may notebook ako, may mga notes kung paano madi-differentiate ang mga character, nuances, mannerisms. Nakasulat lahat ‘yon.

“At malaking bagay na ‘yung director ko, hindi lang ­director kundi para siyang nanay ko, kapatid ko,” sabi pa ni Erich.