Una sa Balita

Erich Gonzales direktor na sa Thailand

By
0 870

Umakyat ng level ang pagiging aktres ni Erich Gonzales nu’ng i-post niya ang isang short music video na collaboration nila ng rap ar­tist na si Marco Maurer.

Malalaman sa pinost na music video ni Erich sa Instagram wall niya na siya ang kumanta ng melody ng music. Bukod dito mababasa rin na si Erich ang nagdirek ng music video, isang pagpapakita na umakyat ng ilang level sa kanyang showbiz career ang Kapamilya star.

Nagpasalamat si Erich sa caption ng video dahil sa tiwalang ibinigay sa kanya na idirek ang music vid.

“Thank you @marco_maurer and @atipofficial for the opportunity to be part of this and for the trust to direct this music video. Won’t Let You Go music video out now,” sabi ni Erich.

Naka-post din sa IG wall ni Marco ang parehong video. Ipinakikilala ni Marco si Erich bilang ‘featuring’ sa kanyang music video.

Binati si Erich ng mga kasamahan niya sa ABS-CBN 2 na sina Aaron Villaflor, Maja Salvador, Karla Estrada, Julia Barretto, Iza Calzado, Enchong Dee.

Tinanggap at tinawag na “Direk” ng teleserye director na si Jojo Saguin si Erich, bilang pagkilala sa magandang outcome ng TV direction nito.

Anyway mapapanood ang music video na ‘yon sa Thailand, dahil isang sikat na rapper, singer si Marco doon. Si Marco ay kapatid ni Mario Maurer na nakasama sa pelikula noon ni Erich. So, puwedeng sabihin na direktor na si Erich sa Thailand, ha!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy