Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Erich ayaw maging kapatid si Sofia

0 112

Pagkatapos ng ilang taong inggitan, sakitan, agawan ng lalaki, babaliktad ang mundo ni Erich Gonzales (Lena) dahil malalaman niyang kapatid niya si Sofia Andres (Rachel).

‘Yan ang dapat tutukan sa “La Vida Lena” sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Unti-unti na ngang nasisiraan ng bait si Sofia dahil sa paghihiwalay nila ni Kit Thompson (Miguel na kagagawan ni Erich. Pero mukhang matotorete rin si Erich dahil positibo ang magiging resulta ng DNA test nila ni Christian Vasquez (Conrad), ang ama ni Sofia, na matagal na rin niyang pinagdidiskitahan.

Hindi pa malinaw kung totoo nga ang DNA test o kung minanipula ito ni Christian bilang paraan para ipatigil ang panggugulo ni Erich sa pamilya niya.

Bukod kasi kay Sofia, pinoprotektahan din ni Christian ang kalaguyo niyang si Agot Isidro (Vanessa), na naaligaga na rin sa nerbiyos dahil sa mga pananakot ni Erich na ilalantad ang sikreto nilang relasyon. Nangako rin si Christian kay Agot na ibabalik niya si Erich sa kulungan at papabagsakin ang kumpanya nito.

Tuluyan na bang sisirain ni Erich ang relasyon nina Sofia at Kit? (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.