Una sa Balita

Erice butata sa EDSA private car ban

0 441

PINALAGAN ng ilang senador ang panukala ni Caloocan City Representative Edgar Erice na ipagbawal ang mga pribadong sasakyan sa EDSA tuwing rush hour sa umaga at gabi.

Ayon kay Senador Ralph Recto, isang malaking kalokohan ang ideya ni Erice dahil ang mga private car owner aniya ang may ma­laking kontribusyon sa buwis ng bansa kaya’t hindi dapat seryosohin ang kanyang proposal.

“It’s a crazy idea. But people are free to suggest. I don’t take those seriously,” reaksiyon kahapon ni Recto.

“Private car owners pay a lot of taxes. Excise, VAT duties, road users tax on vehicles and excise, vat on petroleum. Hundreds of billions a year,” dagdag pa nito.

Hindi rin pabor si Senate Presidente Vicente Sotto III sa suhestiyon ni Erice.

“It’s not a well thought of idea. He says dagdagan ang buses du­ring that time, then where do you dump the thousands of buses that ply after 9am?” sabi ni Sotto.

Pinakamainam pa rin aniyang solusyon para mabawasan ang trapik sa EDSA ay ang ipagbawal ang pag-park sa lahat ng kalye sa Metro Manila.

“My original suggestion is still the best, no parking in the entire metro Manila streets from 5am to 10pm then 5 am,” ayon kay Sotto. (Dindo Matining)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy